Pages

Tuesday, January 19, 2010

Makisalo sa Hapag-kainan

Sa pagkain, nagkakaisa ang mga Pilipino. Mga kapistahan at kasiyahaan ay laging may kainan. Kahit ang mga kanluranin ay sinasabi na kapag magkakasama kumain ang isang pamilya ay mas titibay ang pagsasamahan nito. Marahil, isa ang inyong kinakain at kinakainan. Mas nararamdaman niyo ang pagkakapareho at pagkakapantay-pantay. Sa lahat ng tao, ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan.


Naalala ko tuloy ang pagkain namin ng aming pamilya. Ang pagkain namin ng aking pamilya sa Quezon at Mindoro. Ang pagkain namin ng aking grupo noong Father-Son Camp. Sa pakikibABBAd, sa pagkain mo makikita na tuluyan kang nababad. Kung tinanggihan mo ang pagkain nila, marahil, nandoon lang ang iyong pisikal na katauhan.

Napakasarap kumain. Mas masarap kumain kung may kasalo ka. Kahati, kahit hindi ka mabubusog dahil kaunting parte na lamang ng pagkain ang mapupunta sa iyo.

Sa pagsulat nito, mas ginusto ko pang mag bABBAd. Sana'y magkaroon ulit ako ng pagkakataon upang hanapin ang aking sarili sa mundong mayroon tayo ngayon at ang katotohanang tinatago nito.


Makisalo. Kumain. Makilala. Makasama. Maging Isa.



*photo credits to: Aloy Chua. Captured by: Ms./Mr. Montinola

0 reviews:

Post a Comment

Epilogue

Million Dollar Ideas strike at 1 am!


Currently Reading: Flip by (ed) Jessica Zafra

Followers

Labels

Followers

Ads

I Serve Nuffnang