Pages

Friday, December 11, 2009

Mayroong Pagbabago *Fil 12 Paper*

May Pagbabago na Ba?
Kamusta ka? Kamusta ang iyong pamilya at kaibigan? Higit sa lahat, kamusta na ba ating bayan? Kamusta na ang Pilipinas? O baka iba na ang tawag sa kapuluan natin? O baka naman ay Luzon (kung ito pa ang tawag dito) na lamang ang pulo sa Pilipinas? O baka naman ay wala pa ring pagbabago.
Isang daang taon. Madami-dami na marahil ang maaring nagbago sa ating bansa. Madami ang maaring mangyari sa haba nang panahon na ito. Bansang demokratiko pa rin ba tayo? O, baka hindi na? Ngayon, isinusulong na ang pagpapalit ng ating konstitusyon at gawing parliyamentaryo na tayo. Gusto nang paltan ng mga may kapangyarihan ang ating sistema. Kung ano ang dahilan, hindi ako nakakasisiguro. Marahil gusto lamang nilang maghangad nang mas madaming kapangyarihan o pera. Napupunta na rin tayo sa kapangyarihan, sukdulan na ang pagka-gahaman ng tao dito. Mahigit-kumulang na animnapung katao na ang pinatay para sa katungkulan ng pagka-gobernador. Mahigit sa kalhati nito ay mga mamamahayag. Dalawang pamilya na nasa pulitika ang nag-aaway. Para silang mga bata, hindi ba? Mayroon pa ngang ayaw nang umalis sa puwesto. Naging presidente na at lahat, tatakbo muli upang hindi siya mawalan ng kapangyarihan; sa halip na bumaba nang tahimik. Samantala, maraming magagaling na tao ang pinatatahimik at hindi kinikilala. Sa iilang tao lamang umiikot ang gobyerno, iilang pamilya, iilang tao, iilang mga pangalan. Maraming bayani, ngunit walang tuwirang pagbabago. Paikot-ikot lamang ang ganitong sitwasyon sa bansa. Sa panahon mo, meron pa rin bang patayan at kasakiman? Ang tao sa panahon namin kaya ay umabot din sa inyo? Sana naman ay wala na. Sa ganitong sitwasyon ng bansa, maraming tao na ang umaalis at nangingibang bansa dahil sa kawalan nila ng pag-asa. Hindi nila inaasahan na magbabago pa ang Pilipinas. Kung isa tayo ngayon sa mahihirap na bansa, magiging mahirap na bansa tayo habang-buhay. Pabayaan na lamang sila; iyon ang kanilang paniniwala. Baka sa panahon mo, mas tinitingala na ang Pilipinas at hindi na sila makabalik ng bansa.
Nakakahiya mang sabihin, totoo ang mga sinasabi ko tungkol sa panahon namin. Siguro ay iniisip mong hindi pa kami ganoon kasibilisado at propesyonal. Bata pa talaga ang ating sibilisasyon; madami pa ang kailangan baguhin. Marahil, sa panahon mo, may pagbabago na; may higit na maraming pag-asa ang makikita sa ating bansa. Marahil, hindi lamang gobyerno ang nagbago kung hindi pati na rin ang pananaw ng ating mga kababayan. Alam ko na nagkaroon na ng pagbabagong hindi matatawaran sa iyong panahon. Pagbabago, hindi lamang sa sistema o pangalan. Pagbabagong hindi lamang para sa ilang tao ngunit para sa buong bansa.

0 reviews:

Post a Comment

Epilogue

Million Dollar Ideas strike at 1 am!


Currently Reading: Flip by (ed) Jessica Zafra

Followers

Labels

Followers

Ads

I Serve Nuffnang